Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na kanilang pinag-aaralan ang isyu sa pagtaas ng presyo ng mga isda tulad ng tilapia at bangus, maging ang kakulangan sa suplay ng mga karneng baboy sa pamilihan.
Sa virtual briefing, sinabi ni DA Secretary William Dar, pagbiyahe patungo sa iba’t-ibang lalawigan ang nakikita nitong sanhi ng pagtaas ng presyo ng tilapia at bangus.
Magugunitang nakapagtala ng bahagyag pagtaas sa presyo ng mga nasabing isda sa pamilihan, dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).
Kasunod nito, ayon kay Dar, nagpatupad na aniya ang kagawaran ng ilang mga hakbang para sa tuluy-tuloy na pagpasok ng mga suplay ng pagkain sa Metro Manila.
Samantala, hinahanapan na rin ng solusyon ng kagawaran ang kakulangan sa suplay ng mga karneng baboy sa mga pamilihan.
Kaugnay nito, sinusubukan na rin umano ng DA na ayusin ang problema sa kakulangan ng suplay ng karneng baboy sa mga pamilihan.
Batay kasi sa datos ng DA, aabot na lamang ng walong araw ang suplay ng mga baboy, dahil sa dami ng mga pinapatay bunsod na rin ng african swine fever.
Iginiit naman ni Dar, hanggang Hunyo pa magtatagal ang suplay ng pagkain ng bansa sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.