Inilatag ng Philippine Egg Board Association ang ilang mga dahilan ng pagtaas ng itlog sa mga pamilihan.
Sa panayam ng DWIZ, itinurong dahilan ni Philippine Egg Board Association Chairman Gregorio San Diego, ang pagtaas ng demand dahil sa maraming produkto ang ginagamitan ng itlog.
Maliban dito, tumaas din ang cost of production dahil sa presyo ng feeds.
Una na ring sinabi ni Gregorio na marami sa kanila ang tumigil na dahil sa pagkalugi.
Nabatid na tumaas na ng sampung piso ang presyo ng itlog kada tray sa ilang pamilihan sa Metro Manila.