Dagdag gastos na naman ang sasalubong sa mga consumer sa unang araw ng Oktubre dahil sa taas presyo sa Liquefied Petroleum Gas o LPG.
Asahan na sa Biyernes, ang P5 hanggang P6 na dagdag sa kada kilo ng LPG o P55 hanggang P66 sa kada regular na tangke.
Ayon kay Arnel Ty, Pangulo ng Regasco na kilalang supplier ng lpg, wala silang kontrol sa presyo ng lpg dahil iniimport pa ito.
Sa ngayon ay nasa $108 ang inilobo ng presyo sa international contract price ng LPG na pinakamataas na sa loob nang limang taon.
Pinayuhan naman ng Department Of Energy ang mga lpg manufacturers na hati-hatiin na lamang ang taas-presyo upang mabawasan angpasakit ng mga consumer.—sa panulat ni Drew Nacino