Bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo nitong Enero.
Ito ay matapos maitala ang 1.8 percent mula sa 2.1 percent na inflation noong Disyembre.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ito ang unang beses sa limang sunod na buwan na bumaba ang inflation rate.
Ipinaliwanag ng BSP na bunsod ito ng pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin at mabagal na pagtaas lamang ng presyo ng mga damit at transportasyon.
By Ralph Obina