Nakaamba ang pagtaas ng presyo ng mga imported na karne sa mga susunod na buwan.
Ito ang inanusyo ng Meat Importers and Traders Association o MITA bunsod ng African Swine Fever o ASF.
Ayon sa MITA, apektado ang China ang ASF na pinakamalaking pork producer sa buong mundo.
Dahil dito, binibili na ng China ang mga imported na karne sa buong mundo upang matiyak na sapat ang kanilang suplay.
Dahil na rin umano sa taas ng demand sa China, posible na ring maapektuhan ang iba pang karne, gaya ng manok, baka at iba pa.
Positibo naman ang pananaw ng Department of Agriculture sa nakaambang pagtaas dahil maganda anila itong pagkakataon para sa mga lokal na hog raiser.