Inihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Ann Cabochan na hindi pa nakikita ng kagawaran ang pangangailangan na itaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ito ay sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Aniya, patuloy nilang susuriin kung dapat pang itaas ang presyo ng mga produktong hindi gumagamit ng mataas na porsyento ng petrolyo.
Matatandaang tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang suplay ng langis sa bansa sa buong taon. —sa panulat ni Airiam Sancho