Nilinaw ng ekonomistang si Michael Ricafort ang dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa kabila ng naitalang mabagal na inflation rate.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Ricafort na ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay isa sa mga factor nang paglago ng ekonomiya ng bansa.
Matatandaang inihayag ng Philippine Statistics Authority na bumagal ng 2.8% ang inflation rate ng bansa noong Enero.
Sa kabila ng mabagal na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at muling pagbubukas ng ekonomiya, umaasa si Ricafort na susundan ito ng pagtaas sa kita ng mga manggagawa o hanap-buhay ng mga ito.