Ramdam na sa mga pamilihan sa Metro Manila ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin partikular ang karneng baboy at manok.
Sa Farmers Market na sakop ng Quezon City, tumaas na ng ₱20 hanggang ₱30 ang presyo sa kada kilo ng meat products.
Ito’y dahil sa ilang araw na lamang ay sasapit na ang Pasko kung saan, dagsaan na ang mga mamimili para sa kanilang ihahanda sa Christmas at New Year.
Ayon sa mga meat vendor, nagdagdag ng singil ang mga trader at supplier dahilan kaya tumaas din ang singil sa presyo ng karne.
Inaasahan naman na tataas pa ang presyo sa kada kilo ng manok at baboy sa mga susunod na araw. - sa panulat ni Jeraline Doinog