Sinisiyasat na ng DTI o Department of Trade and Industry ang pagtaas ng presyo ng mga school supplies.
Ayon kay Undersecretary Ted Pascua ng DTI, Abril pa lamang ay naglabas na sila ng SRP o Suggested Retail Price para sa mga pangunahing school supplies.
Kabilang anya sa mga school supplies na nagtaasan na ang presyo ay notebook at pad paper.
“Halos lahat kunyari sa notebook, mayroon talagang nagtaasan diyan, mayroon din namang nanatili lamang ang presyo. Mayroong malaki ang itinaas na presyo lalo na ‘yung mga branded products na school supplies.” pahayag ni Pascua
Kasabay nito, sinabi ni Pascua na hindi lamang presyo ang kanilang binabantayan kundi maging ang kalidad ng produkto.
Katulong rin anya nila ang FDA o Food and Drug administration para tiyaking walang mga nakakalasong kemikal ang ginamit na materyales sa paggawa ng mga school supplies.
By Len Aguirre