Magtataas ng presyo ang ilang noche buena items tulad ng hamon, queso de bola at gatas mahigit dalawang buwan bago mag-Pasko.
Ayon kay Department of Trade and Industry o DTI Undersecreatary Ted Pascua, nag-abiso na sa kanila ang ilang manufacturer na magtataas ng presyo sa kanilang mga produkto.
Ani Pascua, dalawang brand ng hamon ang nagpahayag ng dagdag presyo na naglalaro mula P4 hanggang P28 kada pack.
Paliwanag ni Pascua, tumaas kasi ang presyo ng mga sangkap na ginagamit sa paggawa ng hamon.
Maliban dito, humirit din ng dagdag presyo ang ilang manufacturer ng dairy products tulad ng gatas at queso de bola.
Tiniyak naman ni Pascua na wala nang pagtaas sa presyo ng iba pang noche buena products tulad ng spaghetti, macaroni at fruit cocktail hanggang sa katapusan ng taon.
—-