Namumuro na namang sumirit ang presyo ng mga produktong petrolyo kahit Undas.
Batay sa source ng DWIZ sa oil industry, maglalaro sa P0.25 hanggang P0.35 ang price increase sa kada litro ng diesel.
Habang P0.20 hanggang P0.30 sa kada litro ng gasolina habang P0.40 hanggang P0.50 sa kerosene.
Ito na ang ika-apat na sunod na linggong magpapatupad ng oil price hike, ngayong Oktubre pa lamang.
—-