Iginiit ng Philippine Association of Flour Millers na hindi maiiwasan ang pagtaas ng presyo ng tinapay at iba pang produktong gawa sa harina.
Aminado si Ric Pinca Executive Director ng PAFMIL, ito ay dahil patuloy na nagmamahal ang halaga ng trigo sa pandaigdigang merkado dahilan kaya tumataas ang presyo ng harina.
Ayon kay Pinca, dumoble pa ang presyo sa kada sako ng harina kung saan, mula sa dating P850 sa kada kalahating kaban, pumalo na ito sa P950 hanggang P1K.
Sinabi pa ni Pinca na ang halaga ng harina ay nakadepende pa sa klase nito kung saan, apektado ang produksiyon ng noodles, pasta, cake maging ang mga pagkain sa mga isda.