Inirekomenda na ng Philippine Baking Industry Group (PhilBaking) sa Department of Trade and Industry (DTI) na taasan ang presyo ng ilang produktong tinapay sa bansa.
Kasunod ito ng pagtaas ng presyo ng harina sa merkado sa 1,030 kada sako mula sa dating presyo nito noong Disyembre na 800 piso.
Nasa 1,100 kada sako naman ang itinaas ng class A na harina.
Batay sa rekomendasyon, dapat taasan ang Pinoy Tasty ng 4.50 pesos habang 3.50 pesos ang Pinoy Pandesal.
Maaaring hatiin ang epektibidad nito sa dalawang bahagi, sa Pebrero a-1 at sa Abril a-4.
Sakaling magpatuloy ang pagtaas ng presyo ng harina, posibleng tumaas na sa tatlong piso mula sa dalawang piso ang pandesal.