Asahan na magtutuloy-tuloy pa ang pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo sa mga susunod na linggo.
Ito ang inihayag ni Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad, wala pang nakikitang dahilan o indikasyon para bumaba ang presyo ng krudo sa international market.
Matatandaang nagkaroon ng mataas na demand sa langis matapos ang pag-ban ng oil products mula sa bansang Russia.
Nabatid na nagbabadya na rin ang Saudi Arabia na tataas ang kanilang ibinebentang langis sa ibang mga bansa sa susunod na buwan.
Sa ngayon, naghahanap pa rin ng solusyon ang ahensya upang makontrol ang sunud-sunod na pagsirit sa presyo ng langis.