Hindi dapat mangamba ang publiko sa pagtaas ng reproduction rate o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon kay Dr. Butch Ong ng OCTA research team, bagama’t pumalo sa .7 ang reproduction number, hindi sapat ito para maalarma ang ilan.
Nananatili anyang mababa ang naitatalang arawang kaso na nasa 200.
Maliban sa NCR, ang mga lugar na mahigpit na binabantayan sa posibleng pagtaas ng kaso ay ang Cavite, Rizal, Cotabato, Zamboanga at Batangas.