Kinastigo ng distribution utility na More Electric and Power Corporation (MORE Power) ang anila’y panibagong panlilinlang at pagsisinungaling sa mga Ilonggo ng Panay Electric Company (PECO).
Ito’y matapos palabasin ng PECO na tumaas ang systems loss na sinisingil sa mga consumers ng MORE POWER na ang numero ay batay sa maling computation.
Una rito, inihayag ng grupong Koalisyon Bantay Kuryente na umabot sa 7.1% ang sinisingil na systems loss sa mga consumers ng More Power na mataas sa 6.5% na sya lamang itinatakda ng Energy Regulatory Commission.
Ayon kay Jonathan Cabrera, Spokesman ng MORE Power, mali ang pagkuwenta ni KBK President Jose Allen Aquino sa systems loss at ibinase sa maling formula.
Aniya, tanging generation charge lamang ang isinama nito sa kumpyutasyon na ang tama ay kasama maging ang transmission charge.
Kasunod nito, pinuna ni MORE Power President and CEO Roel Castro ang kawalang “etiquette” ng PECO dahil na rin sa patuloy na pagpapalabas nito ng mga mali maling isyu at paggagawa ng ibat ibang “tricks” para lamang linlangin ang mga consumer at guluhin ang power supply service sa Iloilo City.
The relationship of More Power and PECO should not be viewed as a corporate war. More Power has nothing to do with PECO. We are here in Iloilo City not because we are after PECO but we are after the sorry state of facilities here, plagued with complaints of poor service, customer case and high electricity rates,” paliwanag ni Castro.
Aminado si Castro na masakit para sa panig ng PECO management ang pagkawala ng kanilang may 100 taong negosyo subalit nasa linya umano sila ng public utility.
There are consumers involved here, if PECO look at that perspective then they really should give way. We respect and understand that what they’re going through is painful, but at the end of the day, it’s the court and the regulator that will decide on the matter, whatever and whoever is affected should respect the decision,” paliwanag ni Castro.