Mabilis umanong tumataas ang lebel ng tubig sa mga karagatan sa nakalipas na mahigit 2,000 taon ayon sa mga eksperto.
Ito’y bunsod na rin ng impluwensya ng climate change na siyang nagdudulot ng malaking pagbabago sa mundo sa paglipas ng panahon.
Ayon sa pag-aaral na pinangunahan ng Rutgers University sa Amerika, aabot umano sa lima’t kalahating pulgada o labing apat na sentimetro ang itinaas ng tubig dagat sa loob ng isang siglo.
Gayunman, ipinaliwanag ng mga eksperto na kung wala ang global warming o climate change, mas mababa lamang sa halos tatlong pulgada o pitong sentimetro lamang ang itataas ng sea level.
By Jaymark Dagala