Asahan pa ang birdflu outbreaks sa iba’t ibang bahagi ng Europa.
Ayon sa World Organization for Animal Health, ito ay dahil sa inaasahang patuloy na pagdagsa sa Europa ng migrating birds na nagdadala ng H5N8 o bird flu.
Batay sa tala, aabot na sa labing walong (18) bansa sa Europa ang mayroong naitalang kaso ng bird flu dahilan upang patayin nang may 1.5 milyong manok at ibon.
Matatandaang maliban sa Europa, ilang bansa din sa Asya ang tinamaan ng H5N8 gaya ng South Korea at Japan.
By Ralph Obina