Itinuturing umanong record high ng Department of Health (DOH) ang naitala nitong mga bagong kaso ng HIV-AIDS sa buwan ng Mayo.
Ayon sa DOH, ang naitala nila 748 bagong kaso ng HIV-AIDS sa buwan ng Mayo lamang ay 51 porsyentong mas mataas kumpara noong May 2014.
Ipinabatid ng DOH na sa mga nasabing bagong kaso, 41 na ang full blown AIDS at mahigit 700 ang mga lalaking may naturang sakit.
Sinabi pa ng DOH na mula sa age group na 25-34 ang 409 na kaso at mahigit 700 pasyente ay nakuha ang HIV-AIDS sa pamamagitan ng sexual contact.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)