Ipagbabawal ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagtataas ng kamay sa proklamasyon ng mga mananalong kandidato sa Halalan 2022.
Sa inilabas na resolusyon ng COMELEC, hindi muna papayagan ang nakagawiang pagtataas ng kamay ng Board of Canvassers sa mga mananalong kandidato, bilang bahagi ng health protocol.
Maiban dito, maghihigpit din ang COMELEC sa venue ng mga proklamasyon kung saan ang mga hindi bakunadong dadalo sa ay obligadong magpakita ng negatibong resulta ng antigen RT-PCR test result. —sa panulat ni Hya Ludivico