Hindi tiyak ang LTFRB kung mayroong pagtaas ng pamasahe oras na lumarga ang mga modernized public vehicles.
Ayon kay LTFRB Spokesperson Celine Pialago, prayoridad ng modernisasyon ang kaligtasan ng mga commuter.
Kung mayroon man aniyang pagtaas ng pamasahe ay hindi rin ito ganon kalaki.
Samantala, bukas naman ang tanggapan ng LTFRB sa pagtanggap ng mga petisyon sa fare hike at nangakong pag-aaralan ang napipintong hirit sa pasahe. - sa panulat ni Laica Cuevas