Tuloy-tuloy sa ika-sampung linggo ang pagtaas ng presyo ng bigas.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo na sa P37.13 ang kada kilo ang wholesale regular milled rice at P39.74 naman ang retail price nito sa ika-apat na linggo ng Marso.
Ang nasabing presyo para sa wholesale ay mas mataas ng 7.28 percent at 7.38 percent naman sa retail kumpara noong nakalipas na taon sa kaparehong panahon.
Tumaas din ang presyo ng wholesale well milled rice mula 38.44 bawat kilo nuong isang taon at ngayo’y nasa 40. 69 na.
Para naman sa retail price ng well milled rice tumaas ito ng 4.85 percent mula noong 2017 kung saan ang kada kilo ay nasa 43.46 na ngayon.
Ang pag-akyat ng presyo ng bigas na dahil sa kawalan ng mabibiling NFA rice ay inaasahang magtutuloy-tuloy hanggang sa buong buwan ng Mayo kung kailan darating ang inangkat na bigas.
—-