Aprubado na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtaas sa presyo ng ilang pangunahing bilihin na may Suggested Retail Price.
Kabilang dito ang 4 na brand ng sardinas, isang klase ng powdered milk at 4 na sabon.
Nabatid na naglalaro sa P1.50 hanggang P6.00 ang pinayagang dagdag-presyo ng DTI sa mga nasabing produkto.
Samantala, kinumpirma naman ni Trade Secretary Alfredo Pascual na pinag-aaralan na ng pamahalaan ang pagtatanggal ng SRP sa mga basic at prime commodities. – sa panunulat ni Maiane Dae Palma