Nagtaas din ng presyo sa kanilang LPG o Liquified Petroleum Gas ang mga kumpaniya ng langis ngayong unang araw ng Agosto.
P5.35 kada kilo o katumbas ng P58.85 ang itinaas.
Sa presyo ng kada labing isang (11) kilong tangke ng LPG ng mga kumpaniyang Petron at Solane.
Habang P3.00 naman ang itinaas sa kada litro ang itinaas sa Auto LPG ng mga kumpaniya ng langis.
Una rito, nagtaas din sa kanilang mga produktong petrolyo ng mga kumpaniya ng langis.
Singkuwenta (50) sentimos ang dagdag sa kada litro ng diesel, trenta’y singko (35) sentimos sa gasolina habang kuwarenta (40) sentimos naman ang umento sa presyo ng kada litro ng kerosene.