Posible umanong magtaas ang singil sa kuryente bunsod ng maintenance shutdown ng Malampaya Gas Field.
Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentabella, mapipilitan kasing gumamit ng mas mahal na diesel ang mga plantang umaasa sa Malampaya.
Kaya maaari aniyang magtaas mula 1.20 sentimos hanggang 1.40 sentimos kada kilowatt hour ang singil sa kuryente.
Sa mga kumukonsumo ng 200 kilowatt hour sa isang buwan, magiging 200 piso hanggang 300 piso ang maaaring itaas ng kanilang bayad.
Lilitaw, aniya, ito sa billing statement ng Marso kung mag-uumpisa ang deep sea at platform repairs ng Malampaya sa Enero 28 hanggang Pebrero 18.
Sa kabilang banda, matatandaang sinabi ni Fuentabella na tinitiyak na ng DOE o Department of Energy na maibalik sa lalong madaling panahon ang suplay ng kuryente sa mga na-apektohang lugar ng bagyong Nina noong Disyembre ng nakaraang taon tulad ng Bicol Region.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping / Race Perez