Inaalam na ng Armed Forces of the Philippines ang ulat na posibleng nakatakas na umano sa Marawi City si Isnilon Hapilon, ang tumatayong lider ng Maute Terror Group at kinikilalang Emir ng ISIS sa Asya.
Sinabi ni Lt. Col. Jo-Ar Herrera, tagapagsalita ng joint task force Marawi na bina-validate na nila ang impormasyon hinggil sa pagtakas umano ni Hapilon sa Marawi.
Hindi na umano naririnig at hindi na lumalabas si Hapilon para manduhan ang kanyang mga tauhan kaya lumakas ang duda na tumakas na ito sa Marawi City.
Pero sinabi ni Herrera na tuloy tuloy ang ginagawang beripikasyon sa kinaroroonan ng mga Maute leaders.
Ang natitiyak ni Herrera ay nasa Marawi pa si Abdullah Maute.
By: Aileen Taliping
Pagtakas ni Isnilon Hapilon sa Marawi inaalam pa ng AFP was last modified: June 25th, 2017 by DWIZ 882