Walang karapatan pang tumakbo sa 2022 national elections sina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ito ang binigyang diin ng mga health workers na nanindigang ibang administrasyon ang kailangan ng bansa para tuluyan itong makabangon sa pandemya.
Ayon kay Medical Action Group Chairperson Dr. Nemuel Fajutagana, sa loob ng dalawang taon ay wala aniyang nagawa ang administrasyong Duterte habang sa ibang bansa ay normal na ang pamumuhay dulot ng palpak na COVID-19 response ng gobyerno.
Nakakatakot aniyang ilagay muli sa kapangyarihan ang mga pulitikong sinugal ang buhay ng mga frontliners, nakahiga sa mga hallway, overtime, double duty, at underpaid.
Naniniwala rin ang grupo na hindi si Duterte-Carpio ang makakatulong at maghahatid ng pagbabago sa ating bansa sakaling mahalal itong Pangulo dahil tiyak umanong iimpluwesiyahan din ito ng kanyang ama.