Labag sa batas ng simbahan ang pagtakbo ng mga pari o iba pang alagad nito na tumakbo sa eleksyon at maging public official.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni retired Archbishop Oscar Cruz matapos paalalahanan ang mga pari na huwag nang sumali pa sa eleksyon.
Ayon kay Cruz, kaagad lalabas ng simbahan ang sinumang lalabag sa nasabing batas.
“Pagkat yun po ay labag na labag sa kanilang tungkulin bilang mga pari na sila ay lalahok nsa pulitika, sa kampanya tapos hahawak ng isang posisyon na may kapangyarihang sibil, kapag yun po ay ginawa ng sinumang pari, ke pari, ke obispo o cardinal, yan po aalisan agad mng kanilang katungkulan sa pagiging pari.” Ani Cruz.
Samantala, tuluyan nang etsapuwersa sa pagiging alagad ng simbahan ang sinumang tao nito, pari o obispo na naging pulitiko.
Sinabi sa DWIZ ni retired Archbishop Oscar Cruz na tulad nang nangyari kay dating Pampanga Governor Among Ed Panlilio na hindi na nakabalik bilang pari matapos ang termino sa pagka-gobernador.
“Hindi po ganun basta po kayo’y lumabag sa kautusan na yan aba eh pangatawanan niyo pagkat hindi na ninyo puwedeng sabihin na I’m sorry, I’m back.” Pahayag ni Cruz.
By Judith Larino | Ratsada Balita