Walang mali sa pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Vice President sa darating na eleksyon.
Ayon kay Veteran Election Lawyer Romulo Macalintal, batay sa batas hindi maaaring tumakbo ang presidente sa parehas na posisyon.
Kaya kung mangangandidato naman ang Pangulo bilang Vice President sa susunod na eleksyon wala itong nilalabag na batas alinsunod na rin sa Section 4 ng Article 8 ng 1987 Constitution.
Magugunitang sinabi ng pangulo sa inagurasyon ng LRT-2 Extension sa Antipolo na ikonsidera na siya bilang kandidato sa pagka-bise presidente sa darating na 2022 national elections.