Nakasalalay kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbo ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa pagka – senador.
Ito ang inihayag ng Malakanyang matapos na sabihin ni House Speaker Pantaleon Alvarez na kabilang si Roque sa senatorial slate ng PDP – Laban sa 2019 Midterm Elections.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, prerogative ng Pangulo kung magbibigay ito ng basbas kay Roque dahil una nang sinabi nito na hindi niya papayagan ang kanyang mga gabinete na tumakbo sa halalan.
Gayunman sinabi ni Andanar na si Pangulong Duterte na din ang nagpakilala kay Roque na kabilang sa senatorial slate ng partido nito sa 2019 sa isang okasyon sa Iloilo.
Una namang sinabi ni Roque, na mas prayoridad niya sa ngayon ang maging Best Presidential Spokesman at aminadong wala siyang sapat na pondo.