Pinag-aaralan pa ni Justice Secretary Leila de Lima ang posibleng pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno sa darating na 2016.
Ayon kay de Lima, kinokonsulta pa nito ang kanyang pamilya, mga malalapit na kaibigan at maging si Pangulong Noynoy Aquino.
Sa ngayon, binigyang diin ni de Lima na abala pa siya sa kanyang trabaho sa DOJ at nangako itong ihahayag sa tamang panahon ang kanyang desisyon.
Matatandaang isa ang pangalan ni de Lima sa mga matunog na kaalyado ni Pangulong Aquino na sinasabing tatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng Liberal Party.
By Ralph Obina