Tuloy na tuloy na ang pagtakbo sa pagkapangulo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Sinabi sa DWIZ ni Kapitan Mar Masanguid, founder ng Duterte for President Movement na tutungo sa Oktubre 15 sa Commission on Elections sa Intramuros si Duterte para magsumite ng kanyang Certificate of Candidacy.
Naubusan na aniya ng katwiran si Duterte kaya napahinuhod na ito na tumakbo sa 2016 batay na rin sa clamor at ipinapakitang suporta ng iba’t ibang grupo.
AUDIO: Kapitan Mar Masanguid
By: Aileen Taliping (Patrol 23)