Kumpiyansa si Rizalito David, na papasa ang kanilang partido sa gagawing pagsasala ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga kakandidato sa 2016.
Sinabi ni David na ito ay dahil napatunayan na ng kanilang partido ang kanilang sinseridad nitong mga nakaraang eleksyon.
Iginiit din ni David na walang kinalaman ang kanyang pagtakbo sa pagka-Pangulo sa kanyang inihaing disqualification case laban kay Senator Grace Poe.
Poe
Samantala, walang balak si Senator Grace Poe na buweltahan ang kapwa presidential candidate na si Rizalito David.
Ayon kay Poe, karapatan ni David na maghain ng kanyang certificate of candidacy at hindi niya ito ipapa disqualify sa kabila ng isinumite nitong disqualification case laban sa kanya.
Kahapon, kasama sa mga isinumite ni Poe na dokumento na kalakip ng kanyang COC ang kanyang affidavit reaffirming renounciation of American citizenship at ang kanyang oath of allegiance.
By Katrina Valle | Karambola | Cely Bueno (Patrol 19)