Patuloy ngayong kinakausap ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng ilang cabinet officials si Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque upang himukin itong ipagpaliban muna ang pagtakbo sa nalalapit na 2019 elections.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, nais nilang i-postpone muna ni Roque ang kanyang pagkandidato bilang senador dahil kailangang-kailangan pa siya sa communications team ng pamahalaan.
Noong Huwebes, sinabi ni Pangulong Duterte na may bago siyang posisyon na ibibigay sa kalihim basta’t hindi nito itutuloy ang pagtakbo sa darating na eleksyon.
Dagdag ni Andanar, personal din umano niyang kinakausap si Roque para hilingin dito na sa taong 2022 na lamang kumandidato bilang senador.