Mariing itinanggi ni OFW Partylist Representative at dating Ambassador Roy Señeres na aatras na ito sa halalang pampanguluhan sa susunod na taon.
Sa panayam ng DWIZ, nanindigan ni Señeres na hindi magbabago ang kaniyang planong pagtakbo at katunayan sinimulan na niya ang pag-iikot sa iba’t ibang panig ng bansa.
Una rito’y iginiit ng mambabatas na bagama’t ipinanukala noon ni Atty. Vitaliano Aguirre ang kaniyang pag-atras para bigyang daan si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, kaniya itong tinanggihan dahil sa magkaiba aniya sila ng adbokasiya.
Sinabi ni Señeres na wala nang atrasan sa kanyang kandidatura dahil buo ang tiwala ni Señeres na hindi siya idedeklarang nuisance candidate ng COMELEC.
Aniya pinanghahawakan niya ang overwhelming support na nakuha sa OFW sector lalo na nuong tumakbo at nanalo siya bilang partylist representative para sa laban sa 2016 presidential elections.
“Hindi na po isyu yan kasi hindi naman ako pinaliwanang ng COMELEC kung ako ay nuisance o hindi, since day 1 of filing my certificate of candidacy wala namang ganung klaseng mga development, so I assume na good na tayo.” Ani Señeres.
“Tuluy na tuloy na kasi may commitment na ako, umikot na nga ako sa buong bansa at kinakausap ko nga itong asosasyon ng mga contractuals, yung mga nile-lay off every 5 months, bawal yan sa batas.” Dagdag ni Señeres.
By Jelbert Perdez | Judith Larino | Ratsada Balita