Welcome kay Presidential aspirant at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpasok din ni Vice President Leni Robredo sa 2022 Presidential race, indikasyon ng panunumbalik ng kanilang tunggalian na nagsimula noong 2016 polls.
Magugunitang tinalo ni Robredo si Marcos sa Vice Presidential race noong 201 at nagwagi sa ilang recounts na inihirit ng kampo ng anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon sa nakababatang Marcos, inasahan na niya at hindi na ikinagulat ang hakbang ng Bise Presidente dahil matagal naman na nitong sinasabi na kung tatakbo siya sa pagka-Pangulo ay tatakbo rin si Robredo.
Isa anyang indikasyon ng matatag na demokrasya kung maraming kandidato ang sasabak sa halalan dahil maraming pagpipilian ang mga mamamayan.
Samantala, tumanggi munang mag-komento ang isa pang Presidential aspirant na si Senador Panfilo Lacson sa kanilangmga makakalaban habang tikom din ang mga kapwa aspirant na sina Senador Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno.—sa panulat ni Drew Nacino