Daan-daang Pastor at simbahan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagsanib-pwersa upang ipanawagan ang pagtakbo sa pagkaPangulo ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano.
Sa kanilang liham kay Cayetano, 558 Pastor kasama ang halos 1600 nilang miyembro ang humikayat sa Kongresista mula sa unang distrito ng Taguig-Pateros na ikunsidera ang kanilang panawagan.
Si Cayetano anila ang nakikita nilang leader na may kakayahang pagkaisahin ang mga Pilipino na manalig sa kapangyarihan at pananampalataya sa gitna ng iba’t ibang krisis.
Ayon kay Pastor Raul Limpiado ng Catarman Temple of Praise International sa Northern Samar, kailangan ng bansa ng isang lider na may takot sa Diyos at gagawin ang kanyang kalooban lalo na ngayong balot ang mundo ng krisis.
Una nang inihayag ni Cayetano ang pagnanais niyang magsulong ng isang faith-based, values-oriented at bible-centered leadership sa paparating na halalan.—sa panulat ni Drew Nacino