Opisyal nang idineklara ni Senador Manny Pacquiao ang kanyang pagtakbo sa pagka-Pangulo sa 2022 national elections.
Ito’y makaraang tanggapin ni Pacquiao ang nominasyon ng partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan o PDP-Laban.
Nagkaisa ang mga miyembro ng PDP-Laban Pacquiao faction kasama na ang mga regional representatives ng partido sa kanilang National Assembly na isinagawa kahapon.
Sa kaniyang talumpati, ibinahagini Pacman ang dinanas na kahirapan bilang tugon sa mga tanong kung ano ang kanyang magagawa o ma-i-aambag sa bayan.
Binalaan din ng pambansang kamao ang mga kurakot sa gobyerno at nanawagan ng suporta sa publiko.
Samantala, nanindigan si Party Chairperson at Senador Koko Pimentel na anumang mangyari, ang people’s champ ang pambato ng tunay na PDP-Laban.—sa panulat ni Drew Nacino