Mariing itinanggi ni Senador Manny Pacquiao na siya ay tatakbo siyang presidente sa 2022.
Ito’y matapos ihayag ng kaniyang dating promoter na si Bob Arum na nabanggit umano sa kanya ni Pacquiao ang planong pagtakbo.
Ngunit, ayon kay Pacquiao, wala siyang ganitong klaseng pahayag na ibinahagi kay Arum.
Ani Pacquiao, ang tanging pinag-usapan lamang nila ay posibleng laban nito kay Terence Crawford.