Posibleng maunsyami ang hangarin ng kapatid ni Congressman Manny Pacquiao na tumakbong kongresista sa Saranggani Province.
Naghain na ng kanyang certificate of candidacy si Roel Pacquiao para tumakbong kongresista sa saranggani kapalit ng pambansang kamao na tatakbo namang senador.
Gayunman, ayon kay Atty. Michael Mamukid, Provincial Election Officer ng Saranggani Province, ministerial lamang ang pagtanggap nila sa COC ni Pacquiao habang dinidinig pa ang application for transfer of registration.
Sa kasalukuyan ay Barangay Captain sa General Santos City si Pacquiao at Pangulo ng Liga ng mga Barangay kaya’t otomatiko rin itong miyembro ng konseho ng GenSan.
Napag-alamang nito lamang Setyembre ng taong ito nag-aplay si Pacquiao para ilipat sa Saranggani ang kanyang registration.
“Ang isang kandidato po sa pagka-Congressman kailangan po, na nakalagay sa constitution natin should be a resident of the place he feels to run to atleast 1 year immediately preceding by election. Siya po ay councilor ng GenSan, klaro naman po sa batas natin ‘yan na kung ikaw ay opisyal sa isang lugar, it is presumed na residente ka ng isang lugar kung saan ikaw ay isang opisyal.” Paliwanag ni Mamukid.
By Len Aguirre | Ratsada Balita