Umalma ang isang human rights group sa appointment ni Major General Eduardo Año bilang bagong hepe ng AFP o Armed Forces of the Philippines
Ayon kay Karapatan Deputy Secretary General Jigs Clamor insulto sa human rights community ang pagtatalaga kay Año bilang bagong AFP Chief dahil sa pagkakasangkot sa kaso ni Jonas Burgos
Sinabi ni Clamor na dahil sa patuloy na implementasyon ng Oplan Bayanihan ang appointment ni Año ay sadyang nakakaalarma sa sambayanan lalo na sa mga komunidad kung saan ipinatutupad ang counter insurgency program
Dahil dito hinimok ni Clamor ang Pangulong Rodrigo Duterte na irekunsider ang desisyon nito
By: Judith Larino