Pinapurihan ni dating Senator Panfilo Lacson ang pagkakatalaga ni Pangulong Bongbong Marcos kay dating Presidential Peace Adviser Carlito Galvez bilang bagong Defense Secretary.
Ito’y makaraang magbitiw sa puwesto si Department of National Defense Officer-In-Charge Jose Faustino Junior.
Ayon kay Lacson, makapagbibigay si Galvez ng kinakailangang liderato sa DND lalo sa transition period para sa implementasyon ng batas sa fixed term sa mga heneral na may hawak ng pangunahing posisyon sa Armed Forces of the Phillipines.
Samantala, aminado naman si Senate Minority Leader Koko Pimentel na wala siyang ideya sa mga pagbabago sa namumuno sa DND at AFP.
Umaasa anya sila na wala namang seryosong dahilan sa likod ng developments o pagbabago sa mga naturang ahensya.—ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)