Pinagtibay ng Korte Suprema ang ginawang pagtatalaga ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa dalawang associate justices sa Sandiganbayan bago ito bumaba sa pwesto noong Hunyo ng nakalipas na taon.
Partikular rito ang appointment nina Michael Frederick Musngi at Geraldine Faith Econg na una nang kinuwestyon ng IBP o Integrated Bar of the Philippines sa Supreme Court dahil umano’y sa paglabag sa konstitusyon.
Iginiit ng mga petitioner na nilabag ni Aquino ang Section 9, Article VIII ng 1987 Constitution dahil hindi ito nag-appoint mula sa shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council o JBC para punan ang mga bakanteng upuan ng Sandiganbayan Associate Justices.
Sa desisyon ng Korte Suprema, nakasaad dito na inexercise lamang ng dating Pangulong Aquino ang discretionary power nito para magtalaga ng mga miyembro ng hudikatura.
By Meann Tanbio