Dumipensa ang Malakanyang sa pagtalaga ni Pangulong Bongbong Marcos sa personal physician nitong si Dr. Samuel Zacate bilang bagong director general ng Food and Drug Administration (FDA).
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kung pagbabasehan ang karanasan at kaalaman sa medisina, kwalipikado si Zacate sa posisyon.
Hindi naman matiyak ni Cruz-Angeles kung may kinalaman ang pagiging personal physician ni Zacate, para magkaroon ito ng posisyon sa gobyerno.
Si Zacate ang gumamotkay PBBM noong tinamaan ito ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon at nagbigay din ng health bulletin habang naka-isolate ang pangulo noong Hulyo.