Tinapos na ng Bicameral Conference Committee ang pagtalakay sa panukalang BBL o Bangsamoro Basic Law.
Ipinabatid ni House Majority Floor leader Rodolfo Farinas na natapos nilang lahat “in principle” ang talakayan sa BBL, 12:15 ng madaling araw.
Sinabi ni Farinas na binigyan silang dalawa ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ng kapangyarihan ng Bicam para tapusin ang report.
Sa July 17 aniya ay muli silang magkikita para aprubahan ang report at maisumite sa pangulo para pag aralan at kapag inaprubahan ito ng pangulo, ang BBL ay nakatakdang ratipikahan sa pagbubukas ng sesyon ng kongreso sa July 23.
Ayon kay Farinas, matapos ma ratipikahan ng kongreso ang BBL Bill ay lalagdaan na ng pangulo para maging ganap na batas bago ang kaniyang SONA sa July 23.