Aminado si Senate Committee on Local Government Chairman Sonny Angara na mahihirapan silang magpatawag ng caucus para talakayin ang usapin ukol sa Barangay at SK o Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay Angara, kasalukuyang nasa iba’t ibang lugar ngayon ang mga senador dahil naka-recess ang sesyon ng kongreso.
Samantala, sinabi naman ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto na sa pagbubukas ng sesyon sa Hulyo 24 ay posibleng kanila nang matutukoy ang posisyon ng mayorya ng mga senado hingil sa usapin.
Una rito ay nanawagan ang COMELEC o Commission on Elections sa mga mambabatas na agarang magdesisyon sa usapin kung itutuloy o ipagpapaliban ang Barangay at SK Elections sa Oktubre.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno