Gumulong na ang pagtalakay ng House Committee on Justice sa mga panukalang nagbabalik ng parusang kamatayan.
Ipinabatid ni House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers, isa sa mga may akda ng panukala na mali ang pananaw na hindi nakakapigil sa paggawa ng krimen na may kaugnayan sa iligal na droga ang muling pagpapatupad ng parusang kamatayan.
Wala aniya itong basehan lalo nat iisang kaso lamang sa Pilipinas ang napatawan ng death penalty na wala pang kaugnayan sa illegal drugs.
Ayon pa kay Barbers madalas ang tinutukoy na datos para masabing hindi deterrent ang death penalty sa drug related crimes ay mga pag aaral sa ibang bansa at kultura.
Sinabi ni Barbers na hindi dapat maging balakid sa gobyerno na huwag gawin ang dapat at makakabuti sa mga mamamayan kahit pa may butas aniya sa justice system ng bansa at hindi dapat magpatali ang pilipinas sa international commitment nito dahil may go signal naman ng konstitusyon ang pagpapataw ng parusang kamatayan.
Binigyang diin naman ni House Minority Floorleader Bienvenido Abante na hindi imoral ang pagpapataw ng parusang kamatayan dahil dios ang nagtatag nito para sa ikabubuti ng tao.