Nakahandang humarap sa susunod na pagdinig ng House Committee on Justice ang dalawang mahistrado ng Korte Suprema para tumestigo laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Batay sa isinumiteng liham nila Associate Justices Noel Tijam at Teresita Leonardo – de Castro, kinakailangan muna nilang humingi ng clearance mula sa Supreme Court en Banc bago humarap sa pagdinig.
Kasunod nito, inimbitahan din ni Justice Committee Chair at Mindoro Rep. Reynaldo Umali sina dating Associate Justice Arturo Brion, Supreme Court Spokesman Atty. Ted Te at Court Administrator Atty. Jose Midas Marquez.
Nagpalabas din ng show cause order si Umali laban Kina CHR o Commission on Human Rights Comm. Roberto Cadiz at mga tagapagsalita ni Sereno na sina Atty. Joshua Santiago at Aldwin Salumbidez dahil sa pambabastos nito sa komite.
Dahil dito, sinabi ni Umali na hindi muna nila tututukan ang mga usaping may kinalaman sa dalawang justices at sa halip, tatalakayin muna nila ang iba pang alegasyon laban kay Sereno.