Umapela si Agri Party-list Representative Wilbert Lee sa kamara na talakayin na ang inihain niyang House Bill No. 3957 o ang “Kadiwa Agri-Food Terminal Act.”
Nais ng panukala na magkaroon ng koordinasyon sa pagitan ng Department of Agriculture (DA) at lokal na pamahalaan para sa pagpapatayo ng Kadiwa Agri-food Terminals sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong bansa.
Sa ilalim ng naturang panukala ay matutulungan ang mga magsasaka at mangingisda na mayroong kakarampot na kinikita.
Ayon pa kay Lee, matutugunan nito ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa murang presyo ng mga produktong ibinibenta rito.
Sakaling maging ganap na batas, sinabi ni Lee na paglalaanan ito ng P25-B na budget sa unang taon ng pagpapatupad nito at karagdagang P10-B naman para sa pagpapalawig ng implementasyon nito. —sa panulat ni Hannah Oledan