Sinimulan nang talakayin ng House Committee on Legislative Franchises ang kwestiyunable umanong kasunduan ng ABS-CBN at TV5.
Kabilang sa mga dumalo si National Telecommunications Commission Chairman Gamaliel Cordoba at ipinuntong nakabinbin pa ang kaso ng ABS-CBN sa NTC kaugnay sa kabiguang kumuha ng permit para sa kanilang pay-per-views noong 2020.
Agad naman kinuwestiyon ni Sagip Party-List Rep. Rodante Marcoleta kung mayroon pang ibang kaso na kinakaharap ang ABS-CBN sa NTC, tulad ng hindi nito pagkakaroon ng permit sa digital broadcast sa Channel 11.
Gayunman, aminado si Cordova na hindi pa nila ito matiyak at titignan pa nila ang mga isyung binanggit.
Inihirit naman ni Marcoleta sa NTC na simulan na ang imbestigasyon dahil dalawang taon nang ibinasura ang prangkisa ng higanteng network.